PBA LEGENDS FACEOFF ABANGAN SA UNTV CUP


HINDI pa naman kupas ang ningning ng mga bituin sa pagsalang sa UNTV Cup PBA Legends Faceoff sa isang exciting na pares ng laro ngayong Linggo sa Pasig Sports Center. Sa pagbabalik ni Dondon Hontiveros, paborito ang San Miguel Beer na mamayani kontra 4-team, sa isang buwan na torneo na inorganisa ng UNTV ni president at CEO Dr. Daniel Razon sa tulong ng Samahan ng mga Dating Propesyonal na Basketbolista ng Pilipinas Foundation Inc., (dating PBA Legends Foundation).
Bumuo sina Hontiveros at dating MVP winners Allan Caidic, Ato Agustin at Danny Ildefonso ng unang unit kasama si Olsen Racela. Haharapin ng Beermen ang Purefoods Hotdogs ng 12 noon bago sina Jayjay Helterbrand at Ginebra Kings kontra kina Johnny Abarrientos-led Alaska Aces ng 1:30 p.m. sa event na pakay makatulong sa mga dating PBA players na may sakit o kailangan ng pinansiyal na tulong.
Isang tax-free na P2-M na premyo ang mapupunta sa Samahan ng mga Dating Propesyonal na Basketbolista ng Pilipinas Foundation Inc., (dating PBA Legends Foundation) matapos ang torneo. ”After the tournament, the UNTV Cup will donate P2 million to the foundation, kaya madadagdagan ang pondo namin,” ayon kay foundation chairman Atoy Co. “Mas maraming pera, mas marami tayong matutulungan.”
Bagamat sina Hontiveros at Helterbrand ay nagretiro na, kuwalipikado na sila na lumider sa team sa age bracket ng 40-year old and above. (MC)





Comments