Kotse nag-counter flow, bumangga sa bus | COLLEGE GRADUATE, 1 PA TIGOK
- Jeff Tumbado
- Jun 2, 2019
- 1 min read
PATAY ang dalawa katao kabilang isang college graduate matapos bumangga sa bus sa Davao City.
Kinilala ang nasawi na sina Melody Sotelo, 27, at Janilou Faye Rosales, 21.
Nabatid na kaga-graduate lamang ni Rosales sa kursong Bachelor in Medical Laboratory Science sa San Pedro College noong Marso.
Sumalpok ang sinasakyan nilang kotse na si Sotelo ang driver, sa pampasaherong bus.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nag-counter flow umano ang kotse at sumalubong sa linya ng bus bagama’t, patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.





Comments