top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | Hunyo 2, 2019 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 2, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 2, 2019 (Linggo) : Huwag kang magpagamit kahit kanino. Mas magandang unahin mo ang iyong sarili kaysa sa iba. Sa ganitong paraan, yayaman ka.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kakaiba ang paraan kung paano ka susuwertehin. Ito ay nagsasabing, paga­litin mo ang malapit sa puso mo. Magugulat ka dahil biglang magbabago ang buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-17-20-24-32.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bago ka tumulong, kilalanin mo muna ang iyong tutulungan. Ang payo ay huwag na huwag kang tutulong kapag masaya ka. Ito ay dahil baka mapasobra ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-14-20-25-34.

GEMINI (May 21- June 20) - Mahusay na guro ang sariling karanasan, pero higit na magaling ang aral sa buhay na nakukuha mula sa karanasan ng iba. Pag-aralan mo ang naranasan ng mga nabigo at nasaktan. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-4-12-21-25-31-36.

CANCER (June 21- July 22) - Mahalin mo ang iyong sarili bago mo mahalin ang ibang tao. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-26-34-40-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbababala ang kapalaran mo na magdaratingan ang mga taong hihingi ng tulong sa iyo. Kung hindi mo kokontrolin ang sarili mo, sa huli ay panghihi­nayang at pagsisisihan mo ang mapasasaiyo. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-14-15-20-24.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magigising ka sa katotohanan na mas masarap pala ang nag-iisa kaysa sa may kasama kung saan ang iyong ka­sama ay hindi maunawain at ang mga katwiran niya ay baluktot. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-15-21-25-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang makipaglaro sa mabangis na leon. Ang nakikipaglaro sa panganib ay nagsisisi. Huwag ka ring makipagsapalaran, lalo na kung alam mong maliit lang ang tsansa na manalo ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-15-17-18-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maku­lim­lim ang langit bago bumuhos ang malakas na ulan. Ang kalungkutan ay dapat mong malaman na isa sa mga dahilan kung bakit pumapangit ang iyong kapalaran. Kaya labanan mo ang iyong lungkot. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-19-20-25-34-37.

SAGITTA­RIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka agad kapag may didikit sa iyo na nakasimangot at ang mga labi ay pinagdara­mutan ng mga ngiti. Pa­rang sakit ang ganitong mga tao, baka mahawa ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-21-28-30-31-37-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ingatan mo ang bawat salitang lalabas sa iyong bibig. Kung puwede, huwag kang magsalita ng masama sa kapwa mo dahil posibleng magkatotoo ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-16-25-27-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyung-iyo ang araw na ito. Susuwertehin ka at kung sino pa ang gusto mong gumanda ang kapalaran. Hilingin mo na ito sa langit at ikaw ay tiyak na pagbibigyan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-15-20-25-31-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong itago ang iyong galing at husay. Huwag kang mag-alinlangan dahil ito ang susi mo para magkaroon ka ng magandang buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-25-27-35-38-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page