Hindi makahinga dahil parang sinasakal
- BULGAR

- Jun 2, 2019
- 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Luz ng Luz_Maria@facebook.com
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na hindi ako makahinga, ‘yung tipong para akong sinasakal, may karamdaman kaya ako?
Thanks sa pag-interpret!
Naghihintay,
Luz
Sa iyo Luz,
Minsan, nakasasakal ang buhay sa mundo. Maaaring ito ay dahil sa rami ng trabaho. Puwede ring dahil sa mga kasama sa bahay, asawa o mga anak na umaastang bossy.
Simple lang ang solusyon para rito at ito ay ang madalas nating naririnig na “be positive” dahil ang nakararamdam na siya ay nasasakal na sa mundo ay pinamamahayanan lang ng negatibong pananaw .
Tingnan mo, gustung-gusto ng buwan o moon ang dilim dahil dito ay kitang-kita ang kanyang nakahahalinang ganda. Napansin mo ba na kailangan ng umaga ng hatinggabi para siya ay magkaroon ng eksistensiya? Kung walang hatinggabi, eh, di walang umagang darating.
Minsan, sa buhay ng tao, kailangan niya ng mga kontrabida nang sa gayun ay mailabas niya ang kanyang galing at husay kaya kung mabigat ang pagkontra sa kanya, mas lalo pa siyang gumagaling at humuhusay higit sa pangkaraniwang niyang kakayahan.
Ayon sa mga dalubhasa, ang pagtulog na nakadiretso at mababa ang unan ay magreresulta sa pagkasakal, kaya ang unan ay dapat na nakaayos at hindi ito sobrang mababa o malambot dahil sinasabi ring kapag mataas masyado ang unan, ang leeg ay posibleng mabaluktot kaya hindi magiging maganda ang paghinga at siya rin ay parang nasasakal.
Pag-aralan mo ang huling nasabi at kung tumugma ito sa paraan ng iyong pagtulog, magagawan mo na rin ng paraan ang sinasabi mong para kang sinasakal.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments