Habang naghihirap ang maraming pinoy, mga taga-gobyerno, nagpapakasasa sa pera ng bayan, tsk-tsk-tsk
- BULGAR

- Jun 2, 2019
- 2 min read
PAGWAWALDAS SA PERA NG BAYAN—Matapos “madulas ang dila” ni Philippine Ambassador to Japan Jose C. Laurel V na pabuya ni P-Duterte sa mga nakatulong sa kandidatura ng kanyang mga ‘manok’ noong eleksiyon ang pagsama nito sa may 200 katao, kabilang ang ilang celebrity sa kanyang Japan trip, nabulgar naman na bibigyan ni Tourism Sec. Bernadette Puyat ng mga branded o mamahaling relos ang mga “natatanging” kawani ng Department of Tourism (DOT).
Ang daming naghihirap na Pinoy tapos wagas sila kung makapagwaldas sa pera ng bayan. Buwisit!
◘◘◘
IBINULGAR NI SEN. LACSON, ISINUBASTA SA BUREAU OF CUSTOMS ANG SHABU—Ibinulgar ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa kanyang privilege speech na ang mga kargamento raw ng Golden Triangle Syndicate na may palamang shabu worth P1 billion ay ipinasubasta raw ng Bureau of Customs noong Abril 22, 2019.
Aba, kung totoo ‘yan, onli in da Pilipins lang na ang tone-toneladang shabu ay ipinasusubasta, boom!
◘◘◘
JUSTICE SEC., NAG-ALA-SPOKESMAN NI ‘JACKY CO’—Sabi ni Sen. Lacson, si Zhijian Xu alyas Jacky Co na nagmamay-ari ng P1 bilyong shabu ay nasa watchlist ng Interpol, pero agad itong kinontra ni DOJ Sec. Menardo Guevarra at sinabing wala raw sa Interpol watchlist si “Jacky Co”.
Imbes na ipatugis ni Sec. Guevarra si “Jacky Co”, nagmistula pa itong spokesman ng Chinese drug lord, pwe!
◘◘◘
MGA BATA NI P-DUTERTE, MISTULANG SPOKESMAN NG MGA SUSPECTED CHINESE DRUG LORD—Kapag may nagbulgar sa pangalan ng Chinese drug lord sa bansa ay nagmimistulang spokesman nila ang mga alipores ni P-Duterte.
Isang “Richard Tan” ang sumabit sa P6.4 bilyong shabu smuggling noon, pero ang sabi ni ex-BOC Commissioner Nicanor Faeldon, hindi raw ito drug lord. Habang nang ibinulgar ni ex-PNP Col. Eduardo Acierto na drug lord si Michael Yang, pero ayon kay Spokesperson Salvador Panelo, hindi raw ito drug lord at ang huli, nang ibulgar ni Sen. Lacson na nasa Interpol watchlist si “Jacky Co”, ang sabi ni Justice Sec. Guevarra ay hindi naman daw, mga buwisit!





Comments