‘Di lang daw P10-K, OCD pumalag sa COA | P37-M NAIBIGAY NA SA MARAWI VICTIMS

NASA kabuuang P37 milyong halaga ang naipamahagi ng Office of the Civil Defense sa mga biktima ng Marawi siege.
Ito ang naging paglilinaw ng OCD sa naipalabas na report ng Commission on Audit na nasa P10,000 lamang ang naipalabas na pondo para sa mga kaanak ng mga namatayan at nasugatan sa limang buwang gulo sa Marawi City, dalawang taon na ang nakalilipas.
Sa pahayag ni Usec. Ricardo Jalad, National Disaster Risk Reduction and Management Council administrator at OCD executive director, na as of May 30, umaabot na sa P5.164 billion ang nagamit para sa Marawi rehabilitation at reconstruction program.
Umaabot sa P4.8 billion ang nailabas na pondo noong 2018. Nilinaw pa ni Jalad na maingat sila sa paglalabas ng pondo.
Kabilang dito ang P10,000 tulong sa bawat namatayan at P5,000 na financial assistance para naman sa mga nasugatan.
Ayon pa sa opisyal, tuloy ang paglalabas ng pondo para mapabilis ang rehabilitasyon ng Marawi.





Comments