Pulis niratrat, utas

PATAY ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) makaraang pagbabarilin sa Palawan, kahapon ng umaga.
Ayon kay Lt. Col. Socrates Faltado, alas-6:20 ng umaga habang naglalakad si Police Senior Master Sergeant Nelzahib Aizo sa tapat ng bahay nito sa Bgy. Plaridel nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek.
Dead-on-the-spot si Aizo habang tumakas ang suspek patungo sa direksiyon sa bayan ng Narra.
Tinutugis na ng pulisya ang suspek sa krimen habang inaalam na rin ang posibleng motibo at nasa likod ng pamamaslang.





Comments