Namudmod daw ng datung nang ikampanya si Joy Belmonte… WILLIE, DAWIT SA VOTE-BUYING
- BULGAR

- Jun 1, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MATAPOS ang midterm election na ginanap noong May 13, 2019, nadadawit naman sa vote buying issue ang Wowowin host na si Willie Revillame.
Naghain kasi ng vote buying complaint sa Commission on Elections ang kampo nina Bingbong Crisologo na sinusuportahan ng PDP-Laban sa pangunguna nina PDP-Laban Secretary General Edwin Rodriguez at PDP-Laban Campaign Manager Mike Defensor kontra sa nanalong mayor at vice-mayor ng Quezon City na sina Joy Belmonte at Gian Sotto.
Sa mayoralty race, nakakuha si Belmonte ng 469,480 votes samantalang 366,215 lang ang bumoto kay Crisologo.
Samantala, nanalong bise-alkalde ng Kyusi si Sotto na may 382,393 votes, laban sa 343,473 votes ni Jopet Sison ng PDP-Laban.
Isinangkot nina Sec. Gen. Rodriguez at Defensor ang TV host sa vote buying complaint dahil inaakusahan nila na namudmod ng pera ang Wowowin host nang ikampanya niya ang kandidatura ni Belmonte.
“Pabayaan na natin sila,” ang naging reaksiyon lang ng Wowowin host.





Comments