top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Milyones sa nalalabing donasyon para sa Marawi victims, talupan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 1, 2019
  • 2 min read

SA P36-M DONASYON, P10-K LANG ANG IBINIGAY NG OCD SA MGA BIKTIMA NG MARAWI WAR — Ibinulgar ng Commission on Audit (COA) na sa P36 milyong donasyon na natanggap ng Office of Civil De­fense (OCD) ay P10,000 lang ang ibinigay nito noong 2018 sa mga bik­tima ng giyera sa Marawi City.

Ganu’n? Eh, ang tanong: Nasaan na ang nalalabi pang P35.99-M cash donation para sa mga biktima ng giyera sa Marawi?

◘◘◘

P-DUTERTE, BIDA SA BALIK-BASURA SA CANADA — Bumiyahe na ang barkong papuntang Canada para ibalik ang mga basurang ipina­dala nila sa Pilipinas.

Kung gumawa lang sana ng aksiyon noon si ex-Pres. Noynoy Aquino tung­kol sa mga basurang ito, sana, siya ang bida sa mata ng publiko pero, dahil nganga lang siya sa isyung ito, ang na­ging bida sa balik-basura sa Canada ay si P-Duterte, palakpakan naman diyan!

◘◘◘

ESTAPADOR AT SWINDLER, STATE-WITNESS NG DUTERTE GOV’T. — Sabi ni DOJ Sec. Menardo Guevarra, gagawin nilang state-wit­ness si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy laban sa oposisyon na umano’y nasa likod ng “Oust Duterte Move­ment”.

Tigas din ng ulo ni Sec. Guevarra, kasi si DND Sec. Delfin Lorenzana na ang nagsabing walang “Oust Duterte Movement”, eh, ipinagpipilitan pa rin niyang meron daw kaya gagawing state-witness si ‘Bikoy’.

Hay naku, kapag nangyari iyan, onli in da Pilipins na ang estapador at swindler na tulad ni ‘Bikoy’ ay ginawang state-witness ng gobyerno, boom!

◘◘◘

PDEA, ‘MAGHAHABOL SA TAM­BOL-MAYOR’ KAY JACKY CO — Matapos ibulgar ni Sen. Ping Lacson na nakalabas na ng Pilipinas si Zhijian Xu alyas Jacky Co, ang umano’y Chi­nese drug lord na nagpasok ng tone-toneladang shabu sa bansa, saka lang ito sinampahan ng kasong drug traffic­king ng PDEA.

Dahil diyan, “maghahabol na sa tambol-mayor” ang PDEA kasi kung kailan nakapuga na palabas ng bansa si ‘Jacky Co’, saka lang nila ito sinam­pahan ng kaso, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page