Kaya dudang ang aktres ang rumesbak kay Jimmy Bondoc… JAY, NAGPATUTSADANG BOBO SA ENGLISH SI ANGEL
- BULGAR

- Jun 1, 2019
- 3 min read

HINDI lang kami sure kung nakarating na kay Angel Locsin at sa ABS-CBN ang pakikisawsaw ng former news anchor-radio commentator na si Jay Sonza sa isyung pinaputok ni Jimmy Bondoc laban sa Kapamilya Network.
Last May 23 kasi, may nai-tweet si Jay sa kanyang Twitter account bilang sagot sa isang netizen-blogger na may name na Odette Dequito-Javier na tipong kinukuwestiyon kung si Angel ba talaga ang sumulat ng mahabang mensahe in English na sagot sa mga kumakagat na akusasyon ni Jimmy laban sa ABS-CBN.
Ang tweet ni Jay, “Odette, good morning. Am sure as hell it was not Angel who wrote her comments on Jimmy’s. With malice towards none, too perfectly stated by comms (communications) expert.”
Ganern?! Dahil ba in straight English ang pagkakasulat, hindi na si Angel ang gumawa?
Samantala, hindi lang si Angel ang nakatikim ng banat ni Jay kundi maging ang Kapamilya Network.
Sunud-sunod na tweets ni Jay last May 24, 25 and 26…
“abs will surely lobby for their franchise extension in Congress. Money, stars and starlets, travel, and the likes will flow from the lobby faucet.”
“abs-cbn pook ng tagumpay at pugad ng pagkakasala. The bottom line is money, fame, power and influence. The hell with morality and social responsibility.”
Naniniwala rin daw si Jay na gagamitin ng Dos ang mga koneksiyon nito ‘wag lang maipasara ang network.
“The Lopez’s cannot afford to give up their gold mine and marquee. They will move mountains and prostitute Congress to retain abs-cbn.”
“The corporate image development of abs-cbn is now on a massive build up to blindside public and work on lobby for renewal of congressional franchise.”
Binanatan din ni Jay ang ABS-CBN na papogi lang daw, pero ang totoo ay walang malasakit sa kanilang mga empleyado.
Aniya, “When you see a 65 years papogi ads, think of thousands of their employees who have NO sss, PhilHealth, pag-ibig Fund, retirement benefits, labor contracted (talent basis).”
May akusasyon din siya sa network na diumano’y ‘di nagbabayad ng tamang tax sa BIR. At pati umano ‘yung mga donasyon ng madlang pipol sa foundation ng network ay sinilip din ni Jay kung saan napupunta.
“When you watch a 65 years ads of abs, think of the billions, if not millions of pesos of unpaid obligations to government, tax dues and cheating. The use of your donations to their foundation in building their own studios and facilities.”
Bukod pa riyan ang akusasyon ni Jay na ‘heartless’ o walang puso ang Kapamilya Network dahil sa ginawa sa ilang empleyado nito.
“When watching the 65 years ads of abs, think of broadcaster Ruth Abao-Espinosa who was constructively terminated as news anchor because she had to go on maternity leave. NLRC case.”
“abs projects concern for the working class. Think of Ms. Iza Reneva-Cruz who was breastfeeding a baby was given graveyard shift immediately after her maternity leave.”
Well, sa tindi ng mga pinakawalang pahayag ni Jay Sonza, hindi namin alam kung tulad ni Jimmy Bondoc, may personal ba siyang galit sa ABS-CBN?
Kung pagbabasehan naman kasi ang mga social media posts at pagtatanggol ng mga mismong artista, direktor, staff at iba pang empleyado ng Kapamilya Network, lahat sila ay nagsasabing napakalaki ng pasasalamat at utang na loob nila sa giant TV network dahil gumanda ang buhay nila, naramdaman ang pagmamahal ng mga bossing ng kumpanya at kahit nga ‘yung mga umalis na at hindi na konektado sa ABS-CBN ay nagpapatunay kung paano nagkaroon ng tatak sa buhay nila ang pinaglingkurang istasyon.
So, kung may mga tulad man nina Jimmy Bondoc at Jay Sonza na nag-iingay ngayon, bakit pa nga naman sila papatulan ng ABS-CBN management samantalang mas marami ang may positibong sinasabi tungkol sa Kapamilya Network?
Ang mahalaga, mas maraming buhay ang binago at patuloy na binabago ng ABS-CBN. ‘Yun lang ‘yun!





Comments