top of page

Jeepney driver tumalon mula sa bintana ng ospital, tigok

  • Maeng Santos
  • Jun 1, 2019
  • 1 min read

DEDO ang 58-anyos na jeepney driver na dumaranas umano ng matinding depresyon matapos tumalon mula sa ospital kung saan ito naka-confine sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Elias Irenea, ng Bgy. Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan.

Sa nakarating na ulat kay P/Col. Noel Flores, alas-7:30 ng umaga, abala ang nurse na si Genien Unabia, sa pag-aalaga ng kanyang pasyente sa surgery department ng Building C ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital Surgery Department nang makita niya ang biktima na nakahiga sa kama nito sa gilid ng bintana saka tinanggal nito ang kanyang dextrose at tumalon sa bintana.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng ospital at nurses saka mabilis na dinala ang biktima sa emergency room subalit, binawian din ito ng buhay alas-9:10 ng umaga.

Sa pahayag sa pulisya ng anak ng biktima na si John Michael, na-confine ang kanyang ama dahil sa mga natamong pinsala sa kanyang sarili at dumaranas din umano ito ng depresyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page