top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | Hunyo 1, 2019 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 1, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 1, 2019 (Sabado): Habang papataas ang iyong estado sa buhay, manatili kang mag­pakababa kung saan ang mga paa mo ay naka­sayad sa lupa. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakabantay sa iyo ang mga mata ng langit. Ang sinumang magtang­kang siraan ka ay mabi­bigo. Kung hindi sila titi­gil, aani sila ng sobrang pa­ngit na kapalaran nga­yon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-29-30-36-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Umuusok sa galit ang iyong kaaway kaya wala siyang magawa kun­di ang mapahiya. Ikaw din ay umuusok, pero hindi sa galit kundi sa kata­tawa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-21-26-34-35.

GEMINI (May 21- June 20) - Dagdagan mo pa ang bilis mo. Ang anumang kabagalan ay magpapa­bagal din sa iyong pag-un­lad. Muli, dagdagan mo pa ang bilis mo. Ito ang men­sahe ng iyong kapa­laran ngayon. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lot­to-14-18-20-36-34-37.

CANCER (June 21- July 22) - Hinaha­ngaan ng langit ang iyong ka­kaibang kabaitan. Ito ang lihim na dahilan kung bakit hindi maubus-ubos ang da­ting sa iyo ng mga biyaya at pagpapala. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-6-10-21-31-36-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ka­hit wala kang gawing anu­man, aangat pa rin ang iyong buhay. Pero, kung magpapatuloy ka sa pagsisikap, iisa lang ang magiging resulta, iiwa­nan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpiten­siya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-22-27-35-40-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka bibi­guin ng taong humahanga sa iyo nang palihim. Nagsabi siya sa kanyang sarili na anuman ang iyong kaila­ngan na magbibigay sa iyo ng saya at tuwa ay gaga­wan niya ng paraan. Ma­suwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-14-16-25-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Anuman ang iyong mara­na­san nga­yon, tanggapin mo ito nang malu­­wag sa iyong kalooban. Ang mga ito ay kaila­ngang maganap nang sa gayun ay mabigyang-daan ang iyong magagandang kapa­laran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-18-27-34-38-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumaban ka! Huwag kang pumayag na talunin ka ng lungkot. Ang kalungkutan, mahirap nga lang paniwalaan ay tunay na dahilan kung bakit nag­kakasakit ang tao. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-8-15-16-24-25-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon mo na hilingin ang malalaki at maliliit mong panga­rap sa langit. Mahirap mang mangyari at may pagka­imposible, mangyayari pa rin ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-9-13-20-25-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Itugma mo ang mga ki­los mo sa gus­tung-gusto mong ma­tapos. Ibig sabihin, huwag mong hayaang maiba at mabago ang iyong prayo­ridad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-18-21-24-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo! Huwag mong intindi­hin ang mga taong kung anu-ano ang sinasabi. Ikaw lang at wala ng iba pa ang may karapatan sa iyong buhay. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-5-11-15-20-24-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa masisipag at magiging ma­sipag ka rin. Dumikit ka sa masusuwerte at susu­wer­tehin ka rin. Sa ganitong payo, dapat alam mo na kung sino ang iyong mga dapat layuan. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-19-23-28-30-31-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page