Hirit sa Kamara | SPEAKER, ‘DI DAPAT MADALING IKUDETA

INIHAYAG ng isang political analyst at public opinion expert na hindi dapat bagito at madaling ikudeta ang susunod na Speaker of the House of Representative.
Ayon naman kay Dr. Paul Martinez, mainit ang labanan para sa susunod na Speaker sa House of Representatives.
Sa panayam sa ilang congressmen, mahihirapan umano si Cong. Lord Allan Velasco dahil bagito pa ito. Anila, malaking papel ang gagampanan ng magiging Speaker dahil maraming ‘bigtime’ legislative agenda si Pangulong Rodrigo Duterte para sa natitirang tatlong taon sa termino nito.
Kailangan din umano ng Speaker na puwedeng tumayo at makaimpluwensiya sa Senado.
Lumabas naman ang manifesto of support na kinabibilangan ng 153 signatories na kumakatawan ng incoming members sa House of Representatives para kay Cong. Martin Romualdez.
Samantala, tila naudlot agad ang ambisyon ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez matapos sabihin ni Mayor Inday Sara Duterte na hahadlangan niya ito.
Ganundin si dating Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na interesado rin sa puwesto ngunit, nagbanta umano kay Mayor Inday na titiwalag sa koalisyon kung hindi umano siya susuportahan.





Comments