GEE’S STAR AT MUSIKOPANOLO

MAHIGPIT na maglalaban ngayong hapon at gabi ang mga kalahok sa pitong karera sa Santa Ana Park Naic, Cavite.
Maghaharap sa Condition Race ang mga kalahok na magsisimula ng alas-3:30 ng hapon na papalooban ng Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4.
Magsisimula ang WTA sa Race 1 at unang maghaharap ang 3 Year Old Group Race Merged (5-6) sa distansiyang 1,600 meters na may 9 na kalahok.
Nakalalamang ang Iikot Lang sa Gepnits habang ang couple entry na Viscerion at Princess Arianna ay mainam na dehado.
Sa Race 2, nakalalamang ang Classic Gee, habang ang Batang Arrastre ang magsisilbing kalaban at Tejeros ang posibleng tumalo. Nakalalamang sa Race 3 ang Triton, habang makakalaban ang Gee’s Star at may tsamba ang couple entry na Big Sky at Pabulong.
Magkakalaban ang mga kalahok na Smart Tyler, Grey Area, Kid Tayabas at Kapangyarihan sa pagtikada ng Race 4 na umpisa ng Pick 4. Sa Race 5, ipinapatok ang Musiko habang ang Olympic Gold ay may tsamba at isama sa mga paratingan sa Super Six ang Amazing Cole, Resurgence at Expensive. Nakalalamang ang Wild Find at Believable, habang ang Primero de Marzo at Sharp Return ay isama sa mga parating ng Quarter at Pentafecta sa Race 6.
Nakalalamang ang Shalom sa mga kalahok na Richard, couple entry na Changes at Mabalor, Leather King at Stone Ladder sa huling karera sa Race 7.
Tip ni Mang Ding: Race Iikot Lang (9) Gepnits (5) Entry No.1 Race 2- Classic Gee (1) Batang Arrastre (7) Race 3-Triton (2) Gee’s Star (4) Race 4-Grey Area (4) Kid Tayabas (7) Kapangyarihan (10) Race 5- Musiko (6) Resurgence (3) Race 6- Wild Find (1) Believable (5) Race 7- Shalom (7) Entry No.8 Richard (2)





Comments