Fans, ginulat… LEE YOU YOUNG, IPINAGSIGAWANG GUSTO NANG MAMATAY

GINULAT ng aktres na si Lee Yoo Young ang kanyang mga followers sa Instagram nang mag-post ito na gusto na niyang mamatay.
“I want to die. Every single day is like hell. I want to get out,” ang caption ng aktres sa larawan niya na kanyang in-upload.
Kaagad naalarma ang kanyang mga fans, pati na rin ang mga concerned netizens at nag-alala para sa aktres.
Mabilis namang nag-release ng statement ang kanyang management kahapon din.
“We’ve checked in with the actress and (found that) while she was uploading her social media caption, she made a mistake and posted the wrong content.
“The actress herself was very taken aback and immediately deleted the caption. We apologize for making everyone worry,” ang pahayag ng Ace Factory na management ni Lee Yoo Young.
Pero ang ibang netizens ay hindi kumbinsido sa paliwanag ng agency at naniniwala silang may pinagdaraanan ang aktres na hindi dapat ipagwalang-bahala.
“I’m not a psychologist but for her to even draft that kind of a message is a call for help, I hope they take that hint seriously and help her while they still can. Celebrities often want to keep a “cool front” for the sake of their fans but deep down they are suffering,” ang komento ng isang netizen.
“How do you accidentally upload something that serious? I think she truly is having a hard time, I hope they diligently check in on her,” pahayag naman ng isa pa.
May punto ang mga netizens dahil hindi naman siguro naglalaro si Lee Yoo Young nu’ng time na nag-post siya. The fact na naisip niyang i-compose ang statement na ‘yun, maaaring ‘yun talaga ang nararamdaman niya at hindi ito pagkakamali lang.
Si Lee Yoo Young ang girlfriend ng aktor na si Kim Joo Hyuk na namatay sa isang car accident noong 2017. Katatapos lamang siyang mapanood sa K-drama na My Fellow Citizens ng KBS na nag-finale episode last May 28.





Comments