Droga at basura, labas-pasok sa bansa, buwisit!

AYON kay Sen. Ping Lacson, ipinasubasta sa Customs ang tone-toneladang shabu.
Pero, wala pa ring sinisibak si P-Duterte.
Ayayaya-ayay ang buhay!
◘◘◘
IPINABABASURA na ang serbisyo ng Smartmatic.
Hindi ‘yan utos ng Otso Diretso, utos ‘yan ni PRRD.
◘◘◘
SUMASABIT din ang matataas na opisyal ng Bureau of Immigration sapagkat labas-pasok sa bansa ang mga international gangster.
Wala ring sinisibak sa BI.
◘◘◘
GUSTO ni Sen. Manny Pacquiao na magkaroon ng vote of confidence sa Senado.
‘Yan din ang gusto ni Tito Sen. hangga’t hindi pa nakakaporma ang kanyang karibal.
◘◘◘
IBINALIK na sa Canada ang in-import na basura.
Kumbaga, in-export ng ‘Pinas ang basura ng ibang bansa.
Mayroon ding basura ang Hong Kong na itinapon sa ‘Pinas, ie-export din kaya agad ito?
◘◘◘
MAY import-export ng basura sa ‘Pinas.
Pero, bakit hindi sinisibak ang mga taga-Customs at taga-coast guard?
◘◘◘
INUTIL ang nagbabantay sa Aduana.
Basura at shabu ay malayang nakakapasok sa bansa.
◘◘◘
KAPANSIN-PANSIN ang pagbababad ni Sen. Lacson sa media.
Marami siyang reserbang ‘expose’.
Naka-ready na ang kanyang mga ‘handler’ sa 2022.
◘◘◘
SUMASABIT na naman ang mabubungangang brodkaster.
Tsk,tsk, tsk!
◘◘◘
MADALAS itanong sa atin kung ano raw ba ‘yung ‘hao-shiao’ na media?
Malinaw ang paliwanag natin dito.
Hindi ID cards o aktuwal na trabaho sa media ang panukat sa lehitimong media.
◘◘◘
ANG ‘hao-shiao’ ay natutukoy sa behavior at hindi sa physical documents.
Kahit bigyan natin ng PRESS ID ang isang aso, aso pa rin siya.
Kahit may sariling programa, sariling diyaryo o sariling media outfit ang isang ‘hao-shiao’, mananatili siyang ‘hao-shiao’.
◘◘◘
ANG isang mediaman, kahit walang diyaryo, walang programa at wala sa alinmang media outfit ay mananatili siyang lehitimong mediaman.
Ang mediaman ay mediaman kahit wala siyang dokumento sa katawan.
◘◘◘
MASUSUKAT o matutukoy mo ang isang tunay na mamamahayag sa nilalaman at estilo ng kanyang ‘pahayag’.
Opo, ang laman, esensiya at estilo ng ‘pahayag’ ang tunay na panukat sa isang lehitimong mamamahayag.
◘◘◘
MARAMING ‘hao-shiao’ sa paligid at marami rito ay tinitingala ng ordinaryong mamamayan kasi naiimpluwensiya sila ng kanilang emosyon at pambobola ng mga ‘hao shiao’.
Dahil sa ganyang panukat, maraming matitinong mediaman ay nanonood lang at lumuluha sa sitwasyon ng media industry.
◘◘◘
ANG isyu ng kaligtasan sa buhay ng mediaman ay dapat masuring mabuti.
Kahit si Pangulong Digong ay may sapat na karanasan sa mga ‘hao-shiao’.
◘◘◘
NOONG panahon ng pag-upo ni P-Duterte bilang mayor , alam niya kung sino ang mga lehitimong media at sino ang ‘hao-shiao’.
Ang problema, hindi mulat ang mga tao sa kanyang paligid kung paano susuriin ang lehitimo at hindi lehitimong mamamahayag.
◘◘◘
DAHIL mabubuladas, hindi rin nakaligtas si Digong na mapaniwala ng mga ‘hao-shiao’.
Pero, kung susuriin niyang mabuti ang esensiya, estilo at nilalaman ng mga ‘ipinahahayag’ ng mga nagpapakilalang mamamahayag, mabilis niyang matutukoy kung nabiktima ba siya ng isang ‘hao shiao’ o hindi?





Comments