top of page
Pokwang.jpg

Anak ni parojinog, habambuhay kulong sa droga

V. Reyes
Jun 1, 2019
1 min read

HABAMBUHAY na pagkakabilanggo ang ipinataw na parusa laban sa anak ng napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, Sr. kaugnay sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.

Ibinaba ni QC Regional Trial Court Branch 79 Judge Nadine Jessica Corazon Fama ang hatol laban kay Reynaldo Parojinog, Jr., na nahuli sa raid noong 2017 sa kanilang bahay sa Bgy. Sta. Cruz, Ozamis City, Misamis Occidental.

Matatandaang, 15 katao kabilang ang mga magulang at isa pang kaanak ni Parojinog ang napatay sa nasabing operasyon ng pulisya.

Batay sa 22-pahinang desisyon, inatasan din ng hukuman si Parojinog na magbayad ng P500,000 multa.

Ikinatwiran ng hukuman na nabigo si Parojinog na magharap ng kapani-paniwalang ebidensiya para makontra ang kaso laban sa kanya.

Hindi rin nito napatunayan na itinanim ng mga pulis ang mga nakumpiskang droga mula sa akusado.

Si Parojinog ay mayroon pang kinahaharap na apat na kaso kabilang ang 3 counts ng illegal possession of firearms at illegal possession of explosive device.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page