Sakit lang daw ng ulo niya, isinuka… AI AI, NEVER NANG MAPAPATAWAD ANG EX BATTALION


IBANG magmahal si Ai Ai delas Alas-Sibayan. Pero ilang beses na napatunayang iba rin ‘pag sinaktan siya ng taong inari niyang bahagi ng kanyang buhay.
Walang second chances para sa Comedy Queen. Inamin niyang parang mga anak ang turing niya sa members ng Ex Battalion that she managed.
“Pero, enough is enough. ‘Di nila ako sinunod at inirespeto. Thirty years na ako sa showbiz at tinitingala at inirerespeto. Sila bang kabagu-bago pa lang ang magpapasakit sa ulo ko?” sabi niya.
Nang ialok sa kanya ang episode na Isang Milyong Pasasalamat kay Inay na itinampok sa Magpakailanman ay naisip niyang tila tailor made ito para sa kanya.
“‘Pag sa mga anak ko, handa akong magbigay ng unconditional love. Kahit maraming beses nila akong saktan, bukas ang mga loving arms ko para sa kanila,” sey ni Aileen.
Sana ay napansin ng mga award-giving body for TV ang madramang pagganap niya sa MPK hosted by Ms. Mel Tiangco and helmed by Rechie del Carmen.
Ai, in our opinion, deserves a Best Drama Actress honor dito.





Comments