Mag-utol sapol sa kotse

SUGATAN ang magkapatid nang tumilapon makaraang mabangga ng kotse ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Ermita, Manila.
Ginagamot sa Ospital ng Maynila matapos isugod ng rescue ambulance ng Philippine Red Cross Manila Chapter ang mga biktimang sina Dian, 45, at Andi Macasasa, 35, ng Baseco Compound sa Port Area.
Batay sa imbestigasyon, alas-11:15 ng umaga, minamaneho ni Meynard Advincula ang Honda Jazz nang salpukin nito ang motorsiklo na minamaneho ng batang Macasasa.
Ani Andi, galing sila ng round table patungong Kalaw St., at habang binabaybay nilang magkapatid ang lugar sa kahabaan ng Padre Burgos patungong Manila City Hall nang salpukin ng kotse.
Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima at pananakit ng likod dahil sa lakas ng pagkakabangga at tumilapon pa ng ilang metro.
Samantala, nalaman na walang lisensiya si Andi nang mabundol kaya sila pa ang posibleng makasuhan.





Comments