Madir ni Daniel, rich na, kaya kering-keri na… MGA BFF, ATAT NA SA KASAL NI KARLA
- BULGAR

- May 31, 2019
- 1 min read

AND speaking of kasal, nangangarap na ang mga kaibigan ni Karla Estrada na makita siyang ikinakasal.
Nag-wish si Melai Cantiveros na ikasal na sana ang ina ni Daniel Padilla. Habang si Jolina Magdangal naman daw ay may nai-imagine na sa magiging set-up ng wedding ni Karla.
Hindi lingid sa mga kaibigan ni Karla na meron siyang someone special sa buhay. Sa true lang, sobrang kuntento na sa buhay si Karla pagdating sa aspetong pinansiyal at lalo na sa mga anak niya na iba-iba ang tatay. Kaya mas magiging masaya siguro si Karla kapag nagkaroon ng sarili niyang hubby.
‘Yun oh.





Comments