top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

DEPENSA AT OPENSA, PAMBATO NI LEONARD

Writer: BULGAR
BULGAR
May 31, 2019
2 min read

KILALA sa buong mundo si Kawhi Leonard na isa sa ‘best basketball players on planet,’ at ginagamit niya ang pagiging dominante sa ring upang pamunuan ang Toronto Raptors at makasampa sa unang NBA Finals.

Kilala si Leonard ng kanyang fans sa galing sa depensa, higanteng mga kamay at ang abilidad pagdating sa opensa. Kapuna-puna ang pagiging tahimik niya.

Sa panulat ng Fox Sports, si Leonard na ang pinakatahimik na superstar sa NBA, kaparehas ng dati niyang teammate na si Tim Duncan. Iyan daw ay dahil sa kanyang pinagdaanan noong bata pa siya. Kung bakit napaka-humble niya at ang pagiging low-key ay ang kanyang trademark. Makadurog puso ang kanyang istorya.

Lumaki sa larong football si Leonard, isang bagay na hilig ng ama na si Mark Leonard. Nang mag-sophomore year na siya, saka lang siya natuon sa paglalaro ng basketball. Habang nag-aaral, nagtatrabaho siya sa hand car wash ng pamilya at kung minsan, 10 oras ang work shifts niya.Nabanat ang musmos niyang katawan sa trabaho kung kaya malakas kung maglalaro ng basketball. Pero hindi inaasahang sa car wash business nila maangyayari ang bangungot sa buhay ni Kawhi.

Noong Enero 2008, binaril at napatay ang ama niyang si Mark habang nasa Compton, California car wash business niya. Ayon sa ESPN, paalis na sana nang maaga mula sa lugar si Mark upang panoorin ang game ni Kawhi, pero sinalubong siya ng gunman. Natapos ni Kawhi ang game nang hindi nalalaman ang nangyari sa ama. Natalo roon ang Riverside King team niya kontra Compton, 68-60. Sa ulat ng LA Times, naghinagpis nang husto ang batang si Kawhi. Si Denzel Washington na aktor ang nakapansin umiskor siya ng 29 puntos, “Wow this kid is inspired by losing his dad. And what a game. And no one knew, oh no, he’ll be able to do that for the next 20 years.”

Kilalang 3-point shooter si Kawhi. “He’s a great shooter,” ayon kay coach Tim Sweeney. “Basketball helps me take my mind off things, picking me up every day when I’m feeling down,” sabi ni Leonard. Simula na ngayon ang Game 1 Fi­nals sa pagitan ng Raptors at Golden State Warriors.

Samantala, wala mang maraming fans si Draymond Green sa sarili nilang Golden State Warriors team sa Game 1 ng NBA Finals. Napakarami naman niyang tagahanga sa Toronto Raptors locker room. “Coming into the league, people would say that he was undersized this or not good at that. But he’s worked at it,” ayon kay Raptors All-Star guard Kyle Lowry kahapon. “They said he was out of shape and he got in shape. He got his body right. He improved his jump shooting, improved his conditioning.”

“He always had the toughness because coming from where he’s from, you got to be tough. But for him just the respect that how much work you actually got to put in to be a good NBA player, All Defensive-type player, defensive Player of the Year, a champion. He’s put the work in, and that’s the thing about him is that he’s put all that work in.”

Si Kawhi at Green ang inaabangang magda­daigan sa laro ngayong araw sa NBA Game 1 finals. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page