top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Aminadong adik, kahit taasan pa raw ang presyo… SIGAW NI JANNO: NEVER AKONG TITIGIL SA BISYO KO!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 31, 2019
1 min read

ANO na ba’ng nangyayari kay Janno Gibbs? Magaling naman siyang aktor at singer, pero bakit tila mas type niyang mabigyan ng title na “NEGASTAR”?

‘Yung huling isyung natatandaan naming kinasang­kutan niya ay ‘yung kumalat na sex video scandal niya.

Ngayon, inuulan na naman ng batikos si Janno mula sa mga net­izens dahil naman sa Instagram Story niya kung saan makikita siyang nagyo­yosi at may nakasulat na caption na: “I’m a smoker. Kaligayahan ko na ito. Raising product prices will not make me stop.”

‘Yung isa pang photo niyang nagyoyosi rin, ang caption naman ay: “On smoking ban: I always make it a point to get away from nonsmokers… so they are not affected.”

Ilan lang sa mga komento ng mga netizens…

“Ewan ko sa ‘yo Janno jebs. tumandang paurong!”

“Kaya pala ‘di tumangkad si Janno and palagi siya late, dahil sa kakayosi niya. Panira talaga ng buhay ‘yang addiction to cigarette smoking.”

“Kaya pala gasgas na gasgas na voice niya ngayon.”

“May pera ka naman ok lang. Be prepared lang pagtanda mo kung magka-COPD ka or lung cancer. First hand family experience here.”

“Ever heard of third hand smoke? I understand if you do not care about your own health but please...think about other people too.”

“Tumatandang paurong. Her wife and daughters must be ashamed of his actions and posts.”

Of course, hindi lang naman si Janno ang nag-iisang celebrity na ayaw tumigil sa pagyoyosi, pero ang siste, siya lang talaga ang very vocal pa, ‘di ba naman?

Eh, baka naman umaasa si Janno na mapapansin siya ng mga kumpanya ng sigarilyo at kunin siyang endorser, ‘di kaya?

Charot!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page