top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Tulong-pinansiyal ng SSS sa pamamagitan ng salary loan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 30, 2019
  • 2 min read

PATULOY sa pagbibigay ng tulong-pinansiyal ang Social Security System (SSS) sa pamamagitan ng salary loan kung saan ang kuwalipikadong miyembro ay maaaring mangutang ng hanggang dalawang buwang halaga ng kanyang monthly salary credit.

Mahigit P30.5 bilyon na salary loan ang naibigay ng SSS sa mahigit 1.8 milyong miyembrong nangutang noong 2018, mas mataas ng 5.3 porsiyento kumpara sa naunang taon. Marami sa mga miyembro ang pumipiling makuha ang kanilang salary loan sa pamamagitan ng electronic na pamamaraan. Mas maginhawa ito kumpara sa personal na pagpunta sa mga bangko para magpapalit ng tseke.

Dahil sa Salary Loan Releases thru the Bank Program ng SSS, mas maginhawa na ang paraan sa pagtanggap ng salary loan dahil direkta itong binabayaran ng SSS sa UBP Quick Card ng miyembro o sa kanyang UBP Checking o Savings Account kung sakaling mayroon.

Nadagdagan ng apat ang sampung tanggapan ng SSS na may UBP Quick Card Kiosks. Ang mga ito ay ang SSS Cubao, San Francisco del Monte, Marikina at Binondo. Nagsimula noong 2015 nang buksan ang naturang programa sa SSS Diliman, SSS Makati-Gil Puyat, SSS Pasig Shaw, SSS Makati-Ayala, SSS Kalookan, SSS Mandaluyong, SSS Manila, SSS Alabang, SSS Bacoor, SSS Biñan, SSS Dagupan, SSS Baguio, SSS Cebu, SSS Iloilo, SSS Davao at SSS Cagayan de Oro.

Sa kabuuang naipautang noong 2018, mahigit P166,000 o 9.22 porsiyento ng P1.8 milyong kabuuang pautang ang naibigay sa pamamagitan ng Union Bank of the Philippines’ (UBP) Quick Card.

Matatanggap ng miyembro ang kanyang salary loan tatlo hanggang limang araw matapos maaprubahan ang loan. Maaari naman itong i-withdraw sa kahit saang Megalink, Bancnet at Expressnet automated machines.

Ang miyembro ay kailangang may, at least, 36 buwanang hulog, anim dito ay kailangang nabayaran sa huling 12 buwan bago ang buwan ng aplikasyon upang makapag-apply at para naman sa dalawang buwang utang, ang miyembro ay kailangang nakapaghulog ng, at least, 72 buwan, anim dito ay kailangang nabayaran sa huling 12 buwan bago ang buwan ng aplikasyon.

Pinaaalalahanan din ng SSS ang mga miyembro na huwag kalimutang bayaran ang kanilang mga utang upang hindi magkaroon ng multa.

Para sa ating mga pensiyunadong miyembro, mas pinadali na ang ilan sa mga kuwalipikasyon para makahiram ng pera na may mababang interest sa ilalim na Pension Loan Program (PLP). Kahit isang buwang pensiyon pa lamang ang natatanggap ng pensiyunadong miyembro ay maaari na siyang mag-apply sa PLP. Ang kuwalipikadong pensiyunado ay maaaring manghiram ng pera hanggang anim na buwang halaga ng kanyang basic monthly pension at maaaring bayaran sa loob ng dalawang taon.

◘◘◘

Nais natin ipaalam sa mga retiree pensioner na bukas ang Pension Loan Program ng SSS para sa inyong panandaliang pangangailangang pampinansiyal. Inaanyayahan natin ang mga pensiyunado na nais mag-avail ng Pension Loan Program na magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa kanilang lugar.

Para sa inyong mga katanungan at problema, sumulat sa BUTI NA LANG MAY SSS, at BULGAR BLDG, 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa "sss.bulgar@gmail.com". Puwede ring magdala ng personal ng mensahe sa ating Facebook page: https://www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page