Pramis ni Digong sa Japanese investors: MANGONGOTONG SA NEGOSYO, PAPATAYIN

IPINAGMALAKI ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Japanese businessmen na papatayin niya ang mga hadlang sa pamumuhunan sa Pilipinas kasabay ng pangako na isang rehimeng walang korupsiyon.
Sa kanyang talumpati sa Business Forum sa Tokyo, Japan, sinabi ng pangulo na tutugunan din ng gobyerno ang mga reklamo ng negosyanteng Hapon sa loob ng 24-oras.
“During my time, there will be no corruption. Every Japanese investor in my country, I can assure you, if there’s any complaint regarding hindrances or outright corruption, let me know,” ani Duterte.
“I will talk to you and let me know what your problem is and we will kill that problem,” pahayag ng pangulo.
Umaasa rin ang Chief Executive para sa mas masiglang merkado sa Japan para sa mangga, saging at pinya ng Pilipinas.
“We are firmly committed to maintain stable and predictable environment for robust and business partnerships between the Philippines and Japan,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.
Inaasahang magdadala ng mahigit P300 bilyong investments na makapagbibigay ng 80,000 trabaho sa pag-uwi ng delegasyon ng Pilipinas mula sa Japan.





Comments