top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Panawagan sa mga may-ari ng establisimyento, rules and regulations laban sa pambabastos, ipatupad!

Ryan B. Sison
May 30, 2019
1 min read

PAGSIPOL at pagkindat, dalawa lamang ‘yan sa mga paraan ng pamba­bastos na maaaring gawin ng sinuman para makapang-harass ng kanilang kapwa.

Nakadidismaya dahil kahit alam na ng karamihan na hindi tama ang gani­tong ga­wain ay patuloy pa rin sila sa pag­gawa nito kung saan hindi man lang nila naiisip ang maaaring ma­ramdaman o masamang epekto nito sa tao.

Gayunman, matapos matengga ng isang buwan ay ganap ng batas ang Safe Streets and Public Spaces Act na nag-oobliga sa mga establisimyento na mag­patupad ng kanilang mga patakaran laban sa pambabastos.

Sa ilalim ng batas, maaari na uma­nong maipaaresto sa mga awtoridad ang mga taong bigla na lamang nang-aakbay at kumikin­dat sa mga pampublikong lugar tulad ng kalsada, terminal, resto­ran, eskuwelahan, gayundin sa mga bar, lalo na kung hindi sang-ayon o kom­portable ang taong ginawan nito.

Dagdag pa rito, maging ang mga on­line sexual harassment ay nakapaloob sa nasabing batas.

Samantala, hindi lamang babae ang may karapatang magreklamo ka­ugnay dito dahil sakop nito ang lahat ng kasarian tulad ng lalaki, bakla, tom­boy, lesbian, bisexual at iba pa.

Kaya ang paalala natin sa karamihan bilang respeto sa bawat isa, sundin ang mga pataka­rang makikita natin sa bawat lugar sa bansa, pero kung hindi ninyo mapigilan ang inyong kasamaan, pag­mumulta ng P10, 000 o kulong ang inyong pagpipilian.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page