Motor sumalpok sa van, rider dedo
- Janice Baricuatro
- May 30, 2019
- 1 min read

ISANG binata ang nasawi makaraang sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa kasalubong na van sa Kawit, Cavite kahapon.
Alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Tirona Highway, Bgy Panamitan.
Minamaneho ni Romarico Mendoza ang Isuzu ELF papuntang Noveleta nang salpukin umano siya ng Suzuki Skydrive na papunta naman sa Bacoor.
Napuruhan nang tumilapon ang driver na si Raven Garrido, 21, kaya agad nasawi habang dinala naman sa pagamutan ang backride nitong si Charles Jhozep Averilla, 21-anyos.





Comments