Malinaw ayon sa birthday... MISTER NA NAKATAKDANG YUMAMAN AT MAKABAYAD NG MGA UTANG
- BULGAR

- May 30, 2019
- 2 min read
Dear Maestro,
Apat na taon na kaming nagsasama ng misis ko, pero kamakailan lang ay nag-away kami dahil sa pera.
Marami kaming utang ngayon na hindi namin mabayaran, kapos kasi palagi ang suweldo ko sa aking pamilya at nang mag-away kami ng misis ko ay umuwi siya sa kanila. Itatanong ko lang kung babalik pa kaya siya sa apartment namin o dapat ko na siyang sunduin?
Compatible ba kami at makababayad pa kaya kami ng mga utang? February 10, 1986 ang birthday ng misis ko at October 4, 1984 naman ako.
Umaasa,
Mr. Lonely ng Quezon Province
Dear Mr. Lonely,
Kung sa Astro-Numerology na pag-aanalisa ang tatanungin, sadya at tunay ngang compatible kayo ng misis mong isinilang sa zodiac sign na Aquarius at Libra ka naman.
Nangyari ito dahil ang Libra at Aquarius ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong air o hangin. Sa Numerology ay ganundin, ang birth date mong 4 ay sadyang tugma sa birth date niyang 10 dahil ang 4 at 10 ay may iisang planetang tinataglay – ang planetang Sun.
Ibig sabihin, wala kang dapat gawin ngayon kundi sunduin mo na ang misis mo sa mga biyenan mo dahil siguradong ngayong 2019, sa buwan ng Hunyo, matapos kang humingi ng tawad sa kanya ay makikita mo, muling mabubuo at magiging maligaya ang inyong pamilya.
Samantala, upang makaahon sa mga pagkakautang at kahirapang bumabalot ngayon sa inyong pamilya, iminumungkahi ng birth date mong 4 at 10 naman si misis na mag-apply kayo sa ibayong-dagat.
Sapagkat ayon sa inyong Travel Calendar, sa susunod na taong 2020 hanggang 2021, sa buwan ng Mayo hanggang Setyembre, isa sa inyo ni misis ang makapag-a-abroad na siya na ring magiging simula upang tuluy-tuloy na kayong makaahon sa mga pagkakautang at kahirapan hanggang sa tuluyan nang umunlad ang inyong kabuhayan at siyempre pa dahil ang numerong 4 at 10 ay may biglaang suwerte, malaki rin ang tsansa na bigla kayong susuwertehin at yayaman.




Comments