top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Edad 7, 9 at 10 nalunod sa lawa, patay

Jeff Tumbado
May 30, 2019
1 min read

DEDBOL ang tatlong bata matapos silang maligo sa lawa na nabuo sa isang quarrying site na pag-aari ng isang contractor sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) para sa bagong Clark City project sa Tarlac, Tarlac.

Hindi na nakaahon mula sa pagkakalunod ang mga biktima na sina Richel Bruno, 7, ang kapatid na si Raymar, 9, at ang sampung taong gulang na kalaro na si Eunice Gutierrez.

Batay sa imbestigasyon, nadiskubre na lamang ang bangkay ng tatlong bata na lumulutang sa lawa ng isang JelVin Umali nang mapadaan ito sa nabanggit na lugar pasado alas-10:00 ng umaga ng Martes.

Sinasabing ang lawa kung saan umano naligo at nalunod ang mga bata ay nabuo sa isang quarrying site na may 30 metrong haba, 15 metro lawak at nasa tinatayang 5 hanggang 7 talampakan ang lalim.

Nasa 1.2 kilometro naman ang layo ng lawa mula sa bahay ng mga biktima sa Sitio Kalangitan, Bgy. Cutcut.

Nabatid sa report na maaga umanong pumapasok sa trabaho ang mga magulang ng mga bata at lingid sa kanilang kaalaman ay pumupunta ang kanilang mga anak sa puno ng mangga na malapit lamang sa lawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page