top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bebot na naiinis sa ka-thesis na hindi tumutulong

  • ROMA AMOR
  • May 30, 2019
  • 1 min read

Dear Roma,

Ako si Charm, may­roon akong kaklaseng adik na adik sa celebrities, ‘yung tipong kahit hindi siya makabili ng project, ayos lang para sa kanya, makabili lang siya ng ma­gazine ng mga favorite niyang celebrity. Ang na­ka­iinis pa, maging ang thesis namin ay idinada­may niya. Hindi siya nag-aambag para sa thesis na­min at ang katwiran niya ay nag-iipon siya para sa concert ng idol niya. Sa totoo lang, naiimbiyerna na talaga ako sa kanya. Ilang beses na rin kaming muntik magpang-abot, kaya lang tinitiis ko kasi malapit na ang graduation day at kung hindi ko ito kikimkimin, tiyak na pa­reho kaming mae-ex­pell. Ano ang dapat kong ga­win? — Charm

Charm,

Nakaiinis talaga ang mga kamag-aral na hindi nakiki­pag-cooperate sa mga ga­wain, lalo na sa mga pro­yek­­tong by group. Maraming pa­­raan para makapag-am­bag sa partikular na gawain. ­Kung bi­niyayaan siya ng katalinu­han, maaaring sa kanya na lang ninyo i-assign ang pag-aayos ng mga ideya at ng kabuuan ng in­yong thesis, kung hindi na­man ay maa­aring sa kanya n‘yo na lang ipaubaya ang paggawa ng survey. Kung sakali namang ayaw niyang tumulong sa pi­nansiyal na pangangaila­ngan at wala rin siyang ini­aambag sa mga ideya na in­yong kina­kaila­ngan para sa thesis, maka­bu­bu­ting kau­sapin n‘yo na siya nang mahinahon at ipa­unawa ninyo sa kanya na ang lahat ay dapat kumilos dahil ang thesis ay mahala­gang re­quire­ment para maka-gra­duate kayo. Kung hindi pa rin siya gagawa ng anumang aksiyon, maaari ninyong ali­sin ang kan­yang pangalan sa require­ment na ito. Kung dumating sa ga­nitong punto, upang ma­iwa­san ang anumang gulo, ma­rapat na ipagbigay-alam din ninyo sa inyong guro ang tungkol dito. God bless you!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page