top of page

Anak mo, Gov. Vi, proud na bastos… LUIS, PATI PAMILYA NG BASHER, IDINADAMAY SA RESBAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 30, 2019
  • 2 min read

SA Instagram account ni Luis Manzano, madalas ay nagpo-post siya ng mga videos na nakakatawa, pero minsan ay hindi naman talaga at makokornihan ka pa.

Kaya sa isang interview, ipinaliwanag ng comedian-TV host na ang mga ipino-post niya ay hindi reflection ng kanyang sarili.

Sey ni Luis, “I’m not a selfie type of guy... mas gusto ko ‘yung mga tao na they have a place to go kapag gusto nilang tumawa or kalimutan muna ‘yung mga ginagawa nila. Kaya ‘yun ‘yung purpose ng page ko, para sa akin.”

Funny nga si Luis, pero ‘di maikakaila na favorite victim din siya ng mga bashers.

Ayon sa TV host, accepted na niya ang parteng ito ng social media. Pero inamin niya rin na “patola” siya lalo na kapag nada­damay na ang mga taong malapit sa kanya.

Aniya, “Ako, mapagpatol ako, eh. Ma­pagpatol talaga ako, dati pa, mapag­patol talaga ako.

“Those people who really know me know that. Dati pang itinitira sa akin ng mga bashers ‘yan, ma­pag­patol daw ako.”

Ilang beses na rin siyang nag-react sa mga comments na naba­basa niya tungkol sa girlfriend niyang si Jessy Mendiola.

Kuwento nito, “Kahit nu’ng kami pa ni Jen [Jennylyn Mer­ca­do], ni Angel [Locsin], sabi, ma­pag­­patol daw ako, at mapagpatol pa rin ako hanggang ngayon.”

Pagdidiin ng TV host, “Ano’ng nagbago sa akin? Lumalaban na­man talaga ako. Sinabi ko dati pa na bastusin mo ako, babastusin kita.”

Naniniwala raw siya sa kasa­bihang: “Do unto others as you would have them do unto you.”

Patuloy nito, “Sa akin naman kasi, kung ano ang ipinapakita mo sa akin, ‘yun ang ipapakita ko sa iyo. But I’d like to think, on any given day, that I am an okay guy.”

Sabi pa niya, “Ayokong sabihin na mabait ako, I’m an okay guy. Harapan mo ako ng kabutihan, kabutihan ang isusukli ko.

“Bakit ako mambabastos sa taong mabait sa akin? Pero harapan mo ako ng kabastusan, babastusin din kita.”

And to the netizens who get on his nerves, Luis goes beyond responding to them.

Aniya, “Sinasagot ko, bina-bash ko. Kahit pamilya nila, iba-bash ko.

“You know me, hindi ko naman itina­tago, eh, ‘di ba? By the time na sumagot ako, na-research ko na kung sino sila. At saka dini-DM ko sa kanila lahat ng mga pictures nila. ‘O, ready na ba kayo? Ako naman ang titira ngayon.’”

Dagdag pa niya, “Sabihin nila, ‘Ay, hindi, sorry, Kuya Luis, nadala lang ako ng emosyon’ or ‘Joke lang ‘yun.’

“‘Ay, hindi,’ sabi ko. ‘Matapang kayo, ito pictures ninyo, ready na ba kayo na kayo naman pagtawanan sa social media or gawan ng issue?’”

Sa puntong ito ay magso-sorry daw sa kanya ang mga bashers at sasabihing “‘Hindi, Kuya Luis, we’re sorry.’”

Paliwanag ni Luis, “Alam mo ‘yung mga tao, matatapang lang ‘yan hangga’t may sampal na dumating sa ‘yo, ‘di ba? Saka mo lang mari-realize ‘yung mga mali na nagawa mo.”

So, you can see na kahit kengkoy ang anak ni Ate Vi onscreen, heto at palaban siya sa kahit sino na mambibiktima sa kanya at sa mga taong malapit sa kanyang buhay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page