Solusyon sa malalang trapik, disiplina!


Hindi na nawala ang matinding trapik saanman sa bansa.
Kaugnay nito, mahigpit nang ipinatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagsasakay at pagbababa ng mga pasahero sa terminal ng mga UV Express.
Ito ay dahil nagsasanhi ng matinding trapik ang pagbaba at pagsakay ng mga pasahero sa kung saan-saan.
Umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga UV Express driver pero, aminado ang mga ito na mahihirapan ang mga pasahero.
Ayon sa ahensiya, noon pang 2005 ang utos na terminal to terminal lang puwedeng magsakay at magbaba ang mga UV Express kaya hindi na dapat umano ito bago sa mga driver.
Hirit ng ilang drivers, mawawalan sila ng kita dahil imbes na sumakay ang mga pasahero, hahanap ang mga ito ng ibang uri ng transportasyon.
Dagdag pa ng LTFRB, inaayos na nila ang ruta ng mga pampublikong sasakyan.
Aabot sa P5, 000 hanggang P9, 000 ang multa ng mga mapatutunayang lumabag sa ruta.
Para maging matagumpay ang pagpapatupad ng patakarang ito, dapat munang maayos ng pamahalaan ang mga rutang daraanan ng pampublikong sasakyan at ikonsidera ang posibilidad ng pagdoble ng pamasahe ng mga commuter.
Kaya sa mga pasahero at driver, magkaroon ng disiplina upang maayos itong maipatupad.





Comments