top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Riding-in-tandem tumakas sa checkpoint | ANGKAS UTAS SA PULIS

  • Jeff Tumbado
  • May 29, 2019
  • 1 min read

PATAY sa operasyon ang isang lalaki matapos umanong makipagbari­lan sa pulisya nang takasan ang checkpoint sa Nasugbu, Batangas, kahapon.

Walang anumang dokumento o ID na nakuha ang mga awto­ridad sa nasawing sus­pek na tinatayang nasa edad 35 hanggang 40.

Naganap ang engku­wentro sa kahabaan ng national highway sa Bgy. Bilaran alas-4:00 ng madaling-araw.

Una munang nak­a­tang­gap ng tawag ang ­Nasugbu Municipal Tactical Operation Center sa umano’y shooting incident sa bahagi ng Bgy. Lanatan, Balayan na ang sangkot ay ang nabanggit na suspek na angkas sa motorsiklo.

Agad naglatag ng checkpoint sa boundary ng Balayan sa paniniwa­lang tatakas ang mga suspek papasok ng Bgy. Bilaran.

Natiyempuhan ang dalawang suspek patu­ngo sa bayan ng Nasug­bu subalit, hindi hu­minto sa halip ay nag­maniobra sa isang kalsada na nauwi sa running gunbattle.

Napuruhan sa hot pursuit operation ang angkas ng motorsiklo habang ang driver nito ay nagawang makatakas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page