Panawagan sa mga gov’t. official, huwag gastador!
- BULGAR

- May 29, 2019
- 2 min read
OVP ANG GAYAHIN, HUWAG OSG — Kung ang tanggapan ni Vice-Pres. Leni Robredo ay binigyan ng high ratings ng Commission on Audit (COA) dahil umano walang bahid ng korupsiyon at maayos na paggasta sa kaban ng bayan, pinagsabihan naman ng COA si Solicitor General (SolGen) Jose Calida na tantanan na ang pagdaraos ng mga seminar at training sa mamahalin o 5-Star Hotel sa Metro Manila.
Kaya ang panawagan natin sa mga gov’t. official, ang tamang paggasta ng Office of the Vice-President (OVP) ang dapat nilang gayahin at hindi ang pagiging gastador ng Office of Solicitor General (OSG), period!
◘◘◘
VOTE-BUYING SA PAGKA-SPEAKER — Ibinulgar ni dating Speaker Pantaleon Alvarez na para makuha ang boto ng kongresista ay P500K hanggang P1 milyon daw ang ibinabayad dito ng mga kandidato sa pagka-House Speaker.
Kung ganyan, hindi talaga matitigil ang vote-buying sa halalan kasi mismong sa Kongreso ay uso rin pala ang vote-buying, buwisit!
◘◘◘
MARAMI ANG NAPATAAS ANG KILAY SA ‘LABANAN ANG KORUPSIYON’ STATEMENT NI P-DUTERTE — Marami ang napataas ang kilay sa mensahe ni P-Duterte sa mga bagong appointee nito sa gobyerno na labanan daw ang korupsiyon.
Talagang mapapataas ang kilay ng publiko kasi ang mga gov’t. official na nasasangkot sa katiwalian ay hindi naman kinakasuhan ni P-Duterte at sa halip ay inililipat lang ng puwesto at ang mga nasasangkot naman sa iligal na droga ay imbes na ipatokhang, ipino-promote pa, boom!
◘◘◘
BABABA SA PUWESTO SI DAN FERNANDEZ NANG HINDI NAPAPA”TOKHANG” SI ‘OPEL’ — Isang “Opel” daw ang may raket na drop balls sa Sta. Rosa City sa Laguna.
Hay naku, bababa na lang sa puwesto si outgoing Mayor Dan Fernandez nang hindi niya napapa “tokhang” ang iligalistang ito, pwe!





Comments