top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Paglathala ng financial statements ng kumpanya alinsunod sa batas

Writer: BULGAR
BULGAR
May 29, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Inalok ako ng aking kaibigan na mag-invest sa kanilang pre-need company at sinabi niyang nakapagsumite na raw sila ng kanilang annual statement na aprubado ng Insurance Commission. Nais kong malaman kung ilang araw ba ang ibinibigay ng batas upang maglathala sila sa pahayagan tungkol sa financial statements ng kumpanya? — Leo

Dear Leo,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Section 44 ng Republic Act No. 9829, na mas kilala bilang “Pre-Need Code of the Philippines” kung saan nakasaad na:

“Section 44. Publication of Annual Statement – Within thirty (30) days after receipt of the annual statement approved by the Commission, every pre-need company shall publish in two (2) newspapers of general circulation a full synopsis of its annual financial statements, including the trust fund annual statement showing fully the conditions of its business, and setting forth its resources and liabilities in a standardized format to be designed by the Commission. xxx.” (Binigyang-diin)

Ibig sabihin, sa loob ng tatlumpung (30) araw mula nang pagtanggap ng annual statement na aprubado ng Insurance Commission, ang bawat pre-need company ay nararapat maglathala sa dalawang newspapers of general circulation ng full synopsis ng kanilang annual financial statements pati na ang trust fund annual statement na nagpapakita ng kabuuang kondisyon ng kanilang negosyo at nagsasaad ng kanilang mga ari-arian at bayarin, sa standardized format na ipatutupad ng Insurance Commission. Sa inyong sitwasyon, ang inyong kumpanya ay mayroong tatlumpung (30) araw mula nang pagtanggap ng annual statement na aprubado ng Insurance Commission upang maglathala sa dalawang newspapers of general circulation ng nasabing mga impormasyon.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page