top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

P200 milyong cocaine, palutang-lutang sa dagat

  • Jeff Tumbado
  • May 29, 2019
  • 1 min read

UMAABOT sa 40 bloke ng hinihinalang high-grade cocaine na nagkakahalagang mahigit P200 milyon ang nalambat ng mga mangingisda habang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Sorsogon.

Batay sa impormasyon, kasalukuyang pumapalaot sa karagatan ang mga mangingisdang sina Melvin Gregorio, Loubert Ergina at John Mark Nabong sa parte ng Bgy. Bagacay sa bayan ng Gubat alas-2:00 ng hapon ng Lunes nang maispatan ang nabanggit na iligal na droga.

Agad nila itong ipinagbigay-alam sa opisyal ng barangay at kalaunan ay sa pulisya.

Tinatayang nasa P218.4 milyon ang kabuuang halaga ng mga nasamsam na cocaine.

Sinasabing posible itong bahagi ng naunang mga cocaine na nadiskubre sa ilang bahagi ng bansa na nagmumula sa Latin America, partikular sa Colombia na nakatakda umanong ipasok sa Australia.

Maaaring sinadyang inihulog sa dagat ang kontrabando para sa iligal na transaksiyon at para hindi agad maitimbre sa mga awtoridad.

Pormal nang nai-turnover ng Sorsogon Provincial Police Office (SPPO) ang nakuhang mga cocaine sa Philippine Drug Enforcement Agency-Bicol Region.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page