top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Naghatid ng pasahero, 1 week nawala | BABAENG GRAB DRIVER, NATAGPUANG PATAY

Writer: BULGAR
BULGAR
May 29, 2019
1 min read

NATAGPUANG wala ng buhay sa isang con­dominium unit sa Cainta, Rizal ang isang babaeng Grab driver na halos isang ling­go nang nawawala.

Batay sa ulat, alas-4:00 ng hapon nitong Linggo nang matagpuan ang bangkay ni Maria Cristina Palanca sa ilalim ng lababo na nakabalot ng supot ang ulo at naaagnas na sa condominium unit sa Bgy. San Andres.

Ito ay matapos ireklamo ng ibang nakatira sa condo­minium ang masangsang na amoy na nanggagaling sa unit.

Lumabas sa imbestigas­yon na makaraang magha­tid ng pasahero noong Huwe­b­es, Mayo 23, mula sa isang mall sa Mandaluyong City pa­puntang Pasig City, nag­tungo si Palanca sa nasabing condo­minium.

Nakuhanan ng surveil­lance camera ang pag­baba ni Palanca sa sasakyan at pag­pasok sa gusali nang mag-isa.

Umakyat si Palanca sa unit ng isang Paolo Largado at makalipas ang isang oras, namataan si Largado na lu­mabas ng condominium.

Nawala rin noong Huwe­bes sa global positioning sys­tem ng Grab ang sasak­yan ng biktima.

Kaugnay nito, panguna­hing suspek sa kaso si Lar­gado, na mula noong punta­han ni Palanca ay hindi na nagpakita sa condominium.

Nawawala rin ang kot­seng minamaneho ni Pa­lanca. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page