top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | Mayo 29, 2019 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 29, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 29, 2019 (Miyerkules): Para sa iyo ang panalo. Kaila­ngan mong malaman na ang panalo ay nakukuha sa pakikipaglaban. Kaya lumaban ka sa hamon ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Puwede mo ng simulan ang mga pro­yek­tong hindi mo naituloy dahil sa pinanghinaan ka ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.Tips sa lotto-4-19-20-25-39-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga mada­dra­mang nilalang. Ang naki­kisakay sa madramang bu­hay ay magiging madrama rin ang buhay. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-17-20-25-26-34.

GEMINI (May 21- June 20) - Hindi para sa iyo ang hindi mo nakuha. Pero, kung magpupumilit kang magdesisyon, ang hindi para sa iyo ay ididekla­ra ng la­ngit na sa iyo na. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-23-27-30-33-41.

CANCER (June 21- July 22) - Dito sa mundo, naka­pagtataka ang mga nagtatagumpay dahil simple lang ang kanilang ginagawa kung saan isa lang ang kanilang tinututu­kan. Tularan mo sila at mag­ta­tagumpay ka. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-5-16-19-22-25-31.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lu­malakas ka at humihina ang mga kalaban mo. Ngayon ang pagkaka­taon na puwede mo silang iwanan nang milya-milya na hindi na sila makahaha­bol. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-14-20-24-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang matuwid at ta­ma, ‘yun ang piliin mo. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran nga­yon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-24-26-34-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpasya. Ipaubaya mo sa langit ang mga bagay na hindi mo kayang pag­pasyahan. Noon pa man, kapag ipinauubaya mo sa nasa itaas ang mga prob­lema mo, napabubuti ka. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-9-10-15-24-31-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Daragda­gan ng langit ang lakas ng loob mo. Nakita Niyang ka­hit malakas ang loob mo ay hindi mo pa rin ma­ituloy ang mga balak mong ikaga­ganda ng buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-14-26-34-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makisa­kay ka sa mga kagustuhan ng nakararami. Gayun­man, kapag napansin mo na sa mali ito mauuwi, pairalin mo ang iyong taglay na ka­kayahang mapasunod sila. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-21-26-38-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi na­kikitang si­nag mula sa bituin na ang pangalan ay masa­ganang buhay ang tatama sa iyo ngayon. Magbabago ang buhay mo at magka­ka­roon ng kasaganahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-20-25-31-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sayawan mo ang prob­lema. Ang na­katutuwa at masayang payo, kapag nagawa mo ito, mag­sisidapo sa iyo ang mga suwerteng nasa pali­gid mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-19-20-21-25-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kalma ka lang! Ang magagan­dang kapala­ran ay ipinagkakaloob sa mga taong kalmado sa ha­rap ng masasalimuot na mga pangyayari sa kan­yang bu­hay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-17-20-28-30-31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page