top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Caregiver, tiklo sa droga

Maeng Santos
May 29, 2019
1 min read

ISANG caregiver na sideline umano ang pagtutulak ng iligal na droga ang arestado matapos magbenta ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling- araw.

Kinilala ang suspek na si Gina Reyes, 59, biyuda, ng Bgy. 12 ng nasabing lungsod.

Ayon kay PSSg. Rodney dela Rosa, alas-2:00 ng madaling-araw nang ikasa ng mga operatiba ang buy-bust operation kontra sa suspek sa labas ng kanyang bahay.

Nagawang makaiskor ni PCpl. Ronald Robles na nagpanggap na buyer ng isang sachet ng shabu kapalit ng P500 marked money.

Nang tanggapin ng suspek ang pera, agad itong sinunggaban ng operatiba at narekober sa kanya ni PCpl. Michael Castro ang isang sachet ng hinihinalang shabu na nasa P500 ang halaga at buy-bust money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page