Bullying sa PCFI, pinalagan

KASINUNGALINGAN umano ang ulat na may naganap na bullying sa mga miyembro ng Partylist Coalition Foundation, Inc. (PCFI) sa isang meeting.
Ayon kay 1Pacman Partylist Rep. Mikee Romero, bagong halal na PCFI president, hindi totoo ang ulat na nam-bully umano si Congressman-elect Alan Peter Cayetano sa mga miyembro ng PCFI.
Hindi rin umano ginamit ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte o sinabing ito ang napipisil ng pangulo na maging bagong Speaker of the House. Sinabi lang umano ni Cayetano na hindi na kailangan pa ng negosasyon dahil magkakasama naman sila sa iisang panig.
Kinumpira rin ng isang source na dumalo rin sa nasabing pagtitipon sa Marco Polo Hotel sa Pasig noong Huwebes ang sinabi ni Romero na walang pambu-bully na naganap.
Wala rin umanong sinabi si Cayetano na magiging ‘worst enemy’ siya ng mga kongresista na hindi susuporta sa kanyang pagnanais na maging Speaker.





Comments