‘Mag-asawa’ binaril, dedo

DEDBOL ang mag-live-in partner matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bgy. Casile, Biñan City, Laguna.
Sa initial report, alas-10:30 ng gabi, nakarinig umano ng putok sa labas ng kanyang bahay ang anak ng biktimang si Lydia Buenaflor.
Dali-dali niya itong pinuntahan hanggang sa masaksihan sa loob ng sari-sari store ang kanyang ina na agaw-buhay at may tama ng bala sa katawan.
Natagpuan din niya ang amaing biktima na si Jun Naredo, na nakahandusay sa labas naman ng kanilang tindahan.
Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala sa hindi pa malamang kalibre ng baril. Inaalam pa kung may nawawalang bagay sa loob ng tindahan at iba pang motibo sa krimen maging ang pagkakakilanlan ng mga salarin.
Nadala pa ang dalawa sa ospital subalit, idineklarang kapwa dead-on-arrival.





Comments