top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Provincial bus ban sa Metro Manila, mga purdoy ang kawawa, period!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 28, 2019
2 min read

MMDA, ANTI-POOR—Hinirit ni Albay Rep. Joey Salceda sa Supreme Court (SC) na itigil ang implementasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na provincial bus ban sa Metro Manila dahil ang apektado rito ay ang mga mahihirap na promdi na sumasakay ng bus.

Dapat lang! Ang mga alipores ni P-Duterte sa MMDA, lumalabas na mga anti-poor dahil sa kagustuhan nilang huwag maipit sa matinding trapik at hindi maabala sa biyahe ang mga de-kotse, ang napagdiskitahang pahirapan ay ang mga probinsiyanong sumasakay ng bus, mga buwisit!

◘◘◘

DAPAT SI “PULONG” NA ANG MAGING SPEAKER PARA MATIGIL NA ANG PASIKLABAN NG APAT NA KONGRESISTA—Nagpapasiklaban ngayon sina Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, Taguig City Rep. Alan Cayetano, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez kung sino sa kanila ang dapat pumalit kay outgoing House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Hay naku, dapat yata ang anak ni P-Duterte na si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte na ang maging House Speaker para matigil na ang pasiklaban ng apat na kongresistang ito, boom!

◘◘◘

75 MOTORSIKLONG DO­NAS­YON SA QCPD, HUWAG SANANG GAMITIN SA “TONG­PATS”—Nagkaloob ang Quezon City local gov’t. sa pamumuno ni outgoing Mayor Herbert Bautista ng 75 unit ng motorsiklo sa Quezon City Police District (QCPD).

Sana, ang mga motorsiklong ‘yan ay gamitin ng mga pulis sa pagroronda at hindi sa panghihingi ng “tongpats” sa mga saklaan nina “Amang”, “Gaspar” at “Willy” na hanggang ngayon ay namamayagpag sa lungsod, period!

◘◘◘

SINO ANG QCPD OFFICIAL NA NAGBIGAY NG ‘GO-SIGNAL’ SA ILIGALISTANG MAGPA-JUETENG SA QC?—Nagpaalam na raw sa isang opisyal ng QCPD ang isang iligalista para makapagpa-jueteng sa Quezon City.

Ganu’n? Aba, dapat alamin ni QCPD Director Brig. Gen. Joselito Esquivel, Jr. kung sino ang opisyal ng pulis-QC ang kasabwat ng jueteng lord na ‘yan kasi ang iligalista ay dapat tino-”tokhang” at hindi binibigyan ng ‘go-signal’ na makapanraket sa lungsod, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page