Problema sa pamilya | BINATA NAGBIGTI
- Levi Gonzales
- May 28, 2019
- 1 min read

NATAGPUANG nakabigti sa loob ng banyo ang isang binata matapos magbigti sa Bgy. San Felipe, Padre Garcia, Batangas.
Alas-5:30 ng umaga nang bumulaga sa lolo ang biktimang si Justine Matre, 20, binata, na nakabitin sa kisame ng kanilang banyo gamit ang lubid.
Nag-iwan pa ito ng text messages sa kanyang pamilya kung saan nakasaad, “Ako’y lalagay na sa tahimik, bahala na kayo sa aking mga kapatid at sa tatay, palagi n’yo silang aalagaan”.
Posible umanong matinding problema sa pamilya ang nag-udyok sa biktima para magpakamatay.
Gayunman, patuloy ang imbestigasyon sa insidente.





Comments