Para sa mga beshy natin na mas inuuna ang pamilya kaysa sa sarili… MGA PARAAN PARA MAIWASAN ANG MALO

HAGGARD na ba kayo, ‘yung tipong dehins na ninyo knows kung saan kayo makahahagilap ng pera na pang-enroll at pambili ng school supplies? Hays, gayunman, kahit anong pagsubok ang ating pagdaanan, huwag na huwag nating pababayaan ang ating sarili. Narito, ang mga paraan para malabanan ang haggardness:
1. DON’T GIVE ALL. Huwag nating ibigay ang lahat dahil diyan nag-uumpisa kung bakit nagmumukha ka ng losyang o kawawa. ‘Ika nga, dapat give and take!
2. COMB YOUR HAIR. Dahil ang buhok ang tinaguriang crowning glory, ito kaagad ang nakikita ng tao para masabi nilang haggard ka o fresh. Kadalasan kasi sa mga haggard, eh, nakalilimutan na ang magsuklay at parang dinaanan ng bagyo sa gulo ng buhok. Gusto mo ‘yun? Siyempre, hindi kaya suklay-suklay din. Okie?
3. TREAT YOURSELF. Of course, kahit na namumroblema tayo sa paghahanap ng pera na panggastos, mainam kung iti-treat pa rin ninyo ang inyong sarili. Hindi mahalaga kung sa mamahalin, ang importante ay nakabili kayo kahit papaano.
4. SMILE. Importante ang ngumiti dahil sa pagngiti, maaari mong matalo ang problema na iyong kinahaharap, basta make sure na hindi fake smile, ha?
5. LIMIT YOUR KINDNESS. Minsan, sa pagiging mabait, inaabuso ka na ng mga taong kakilala mo. Imbes tuloy na para sa iyo, napupunta pa sa kanila, ang ending napababayaan mo ang sarili mo habang sila, masaya kahit wala silang pinagdaanang mga pagsubok. Unfair, ‘di ba? Kaya ang payo, lumaban ka! He-he-he!
Kaya mga beshy, kung ayaw nating maging haggard kahit namumroblema sa pera at iba pang bagay, make sure na susundin ninyo ang mga tip na ito. Gets mo?





Comments