Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG MAGKAROON NG MASAYANG RELASYON

Dear Maestro,
Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil naisip ko na kayo lang ang makatutulong sa aming problema. ‘Yung mister ko ay 45 years old na ngayon.
Ang problema, kapag nagtatalik kami ay madalas wala na siyang gana. Iniisip ko na baka may babae siya, pero hindi ko pa sure dahil wala naman siyang cellphone.
May babae kaya talaga siya kaya nawawalan na siya ng gana sa akin? Kung mayroon, paano ko siya mahuhuli?
Compatible din kaya ang birth date namin na September 28, 1980 ang birthday ko at February 13, 1973 naman ang mister ko, kami na ba ang magsasama, habambuhay o darating din ba ang araw na hihiwalayan niya ako?
Umaasa,
Ms. X ng Marikina City
Sa iyo Ms. X,
Mali ang iniisip mo dahil hindi porke nawawalan na ng gana ang mister mo sa tuwing kayo ay nagtatalik ay ipagpapalagay mo na kaagad na siya ay may ibang babae.
Maaari ngang ganu’n, pero hindi sa lahat ng pagkakataon at hindi mo rin dapat isipin ang ganu’n, sa halip, dapat may iba ka pang factor o ebidensiya na pinanghahawakan upang makumpirma mo kung talaga bang nambababae si mister.
Ang isa sa pinakamatibay na ebidensiya ay ‘yung nambabae na ba siya dati? Ang pambababae ay “habitual”, sa madaling salita ay nakawiwili, kaya kung wala siyang history ng pambababae at wala rin sa lahi nila ang babaero, malabong gawin ng mister mo ang ibinibintang mo sa kanya.
Pangalawa, ano ba ang trabaho ng mister mo? Upang makumpirma natin na baka pagod lang talaga siya sa maghapong pagtatrabaho kaya kapag nagtatalik kayo sa gabi ay kinakapos na siya ng resistensiya. Oo ang sobrang pagod o stress ay mga dahilan upang hindi gaanong tumayo o tumindig nang husto ang alaga ni mister sa tuwing kayo ay magtatalik.
Kapag ganu’n ang sitwasyon, pagod sa maghapong pagtatrabaho si mister, kaya kapag nagtatalik sila ni misis ay pumapalya na ang kanyang alaga, madali lang ang solusyon dito.
Pupuwedeng gawin sa umaga ang pagtatalik bago pumasok ng opisina o trabaho si mister, para ‘yung magdamag na pahinga ay siguradong nakaipon na siya ng reserbadong enerhiya upang kapag napalaban kay misis ay matikas na talaga ang alaga ni mister.
Pangatlo, gaano ka ba kaakit-akit sa sandali ng inyong pagtatalik? Nagsesepilyo ka ba ng mga ngipin o kaya ay bagong paligo ka ba kapag kayo ay nagtatalik? Baka hindi ka nag-aayos man lang. Kung ganu’n ang sitwasyon, hindi ka nag-ayos kapag nagtatalik kayo ni mister, puwede talagang hindi siya ganahan sa iyo.
Sa madaling salita, itsek mo muna ang maraming factors o mga dahilan kung bakit nawawalan ng gana si mister bago ka mag-isip ng kung anu-ano.
Maaari mo ring isaalang-alang kung malakas ba siyang kumain at nagte-take ba siya ng multivitamins, food supplements o regular ba siyang nag-e-exercise upang matiyak mo na may malusog at matikas na resistensiya ang iyong asawa pagdating sa kama.
Samantala, ayon sa birthdate mong 28 o 1 (ang 28 ay 2+8=10/ 1+0=1) at 13 o 4 naman si mister (ang 13 ay 1+3=4), ito ay nagsasabing, kayo ay sadyang compatible sa isa’t isa dahil Sun at Uranus ang planetang umiiral sa inyo na tugma rin tulad ninyo. Dagdag pa rito, sadyang kambal na numero rin ang 1 at 4 na nakatakdang habambuhay na magsasama.
Gayundin, ayon sa zodiac sign mong Libra at Aquarius ang iyong asawa, mambabae man o hindi ang iyong mister, imposible kayong magkahiwalay dahil ang Libra at Aquarius ay may iisang elementong tinataglay kung saan kung sakali mang nambabae ang iyong mister o ikaw ang manlalalaki, sa bandang huli, magkakabalikan din kayong dalawa upang muling buuin at paligayahin ang inyong pamilya, habambuhay.




Comments