top of page
Pokwang.jpg

Magtatag-ulan na, problema na naman sa basura

Writer: BULGAR
BULGAR
May 28, 2019
1 min read

Nagbabadya na ang pagpasok ng tag-ulan sa bansa.

Dahil dito, naghahanda na ang pamahalaan upang maiwasan ang pagbaha.

Kamakailan, nagkasa ng malawakang clean-up drive ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Baseco Beach sa Tondo, Manila.

Pagdating ng tag-ulan, tone-toneladang basura pa ang ina­asahang aanurin sa dalampasigan ng Baseco Beach.

Ayon sa DENR, asahang babalik ulit ang mga basura sa pampang dahil tatangayin ng agos ang mga ito pagsapit ng tag-ulan.

Nakiisa ang mga mag-aaral, volunteer ng National Youth Commission (NYC), bumbero at iba’t ibang ahensiya ng gob­yerno.

Masaya ang DENR dahil umabot sa 3,000 volunteers ang nakiisa sa malawakang clean-up drive noong Sabado.

‘Ika nga nila, prevention is better than cure kaya paalala ng ahensiya, huwag nang maghintay ng clean-up drive at simulan na ang pamumulot ng mga basura sa ating bahay at barangay upang maiwasan ang pagbaha.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page