Lalaki nahulog mula 42nd FLR. ng condo, lasog
- Gina Pleñago
- May 28, 2019
- 1 min read

INAALAM ng Taguig City Police kung nagpatiwakal o aksidenteng nahulog mula sa ika-42 palapag ang 23-anyos na lalaki sa isang gusali, kahapon ng hapon sa nasabing lungsod.
Sa initial report, naganap ang insidente sa Mckinley Park residence sa panulukan ng 3rd Avenue at 31st sa Bonifacio Global City (BGC) alas-4:10 ng hapon
Halos basag ang bungo at lasog ang katawan ng biktima nang mahulog mula sa nasabing palapag at bumagsak sa kalsada. Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang naturang insidente.





Comments