top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kelot kinatay ng katoma

Jeff Tumbado
May 28, 2019
1 min read

ISA ang patay matapos magsaksakan ang magka­inuman sa Calintaan, Occi­dental Mindoro, kamaka­lawa.

Dead-on-arrival sa ospi­tal si Antonio Quimoyog sanhi ng tinamo nitong li­mang saksak sa katawan.

Mabilis namang nadakip sa follow-up operation si Ma­nuel Laciste, 24, sa ter­minal ng UV Express at takda na sanang bumiyahe para takasan ang ginawa nitong krimen.

Ayon kay MIMA­ROPA Police Regional Office Chief Lt. Col Socrates Faltado, nag­­karoon umano ng pagta­talo ang dalawa habang nag-iinuman sa labas ng isang tindahan.

Maya-maya pa ay bu­munot ng patalim si La­ciste at inundayan ng saksak si Quimoyog.

Sa nasabing terminal, narekober ang nasa isang talampakang patalim na gi­namit sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page