HOROSCOPE | Mayo 28, 2019 (Martes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 28, 2019 (Martes): Napakalakas ng iyong personalidad, kaya ang mahihina ay didistansiya sa iyo at ang kapwa mo malalakas ay makababangga mo, pero ikaw pa rin ang mananalo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nahahadlangan ang paglabas ng iyong emosyon. Mahirap mang tanggapin ang payo ay nagsasabing, hindi ka dapat maawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-18-20-34-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag naunawaan mo na ang buhay sa mundo ay laro lang, hindi ka na masasaktan. Bakit ka magseseryoso kung paglalaruan ka lang naman? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-17-21-25-28-36.
GEMINI (May 21- June 20) - Hindi mo kailangang magpaliwanag sa ibang tao. Sila ang dapat magpaliwanag sa iyo kung bakit pinanghihimasukan nila ang buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-16-22-25-34-37.
CANCER (June 21- July 22) - Hindi ka dapat magpatangay sa mga makabagong paniniwala. Hayaan mo ang iba na baguhin ang buhay nila. Ang magagandang kapalarang para sa iyo ay nasa pananatili ng personalidad mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-15-23-25-34-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Simple lang at madaling gawin kung paano ka susuwertehin. Ito ay nagsasabing, pasayahin mo palagi ang mga nakakasama mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-11-17-21-27-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi baleng magalit sa iyo ang iyong tinanggihan kaysa naman ikaw ang sumama ang loob dahil hindi siya tutupad sa inyong mapag-uusapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-15-16-29-31-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong sayangin ang oras mo sa pakikipagtalo. May mga bagay na magaganda na puwede mong asikasuhin kaysa sa walang saysay na pakikipagdebate. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-27-30-35-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Paulit-ulit na mandaraya ang minsan ng nandaya. Kaya ang pinakamaganda ay umiwas ka. Ito ay kung ayaw mong paulit-ulit na masasaktan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-19-25-31-36-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masasayang naglalaro ang mga dahon at hangin. Bakit hindi ka rin magsaya? Makipaglaro ka sa mga pangkaraniwang mga tao, sila ang mga dahon sa ibabaw ng mundo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-13-16-22-28-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bibigat ang pakiramdam mo, pero wala kang anumang sakit. Ito ay simpleng nagsasabing, hindi mo dapat simulan ang mga bagong proyekto. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-20-25-27-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil aakalain mong binigyan ka na naman ng mga suliranin ng langit, pero sa huli, mga suwerte pala ang ipinagkaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-14-17-21-26-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Napag-uusapan ang problema, kaya huwag mo itong tatakasan. Ang pagtakas ay mauuwi sa mas malalaki at maraming sakit ng ulo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-26-28-30-31-34.




Comments