top of page
Pokwang.jpg

Habang nagpi-pisonet | LALAKI BINARIL SA ULO

Maeng Santos
May 28, 2019
1 min read

TODAS ang factory worker matapos barilin sa ulo ng isang lalaki habang ang biktima ay abala sa pagko-computer sa Malabon City, kahapon ng hatinggabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo si Jeremi Cablaida, 22, ng Bgy. Tañong, habang pinaghahanap naman ang suspek na nakilala sa alyas Bornok.

Sa nakarating na report kay Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao, alas-12:30 ng hatinggabi, abala ang biktima sa paglalaro sa pisonet sa Estrella St., Bgy. Tañong nang sumulpot ang suspek mula sa kanyang likuran at walang sabi-sabing binaril ito sa ulo.

Tumakas ang suspek habang isang basyo ng bala mula sa hindi pa mabatid na baril ang narekober ng pulisya sa crime scene.

Sa pahayag sa pulisya ng kapatid ng biktima na si Arjay, nakatanggap ito ng death threat mula kay ‘Bornok’ habang inaalam pa ang motibo sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page