Binatang mas gusto ang mga babaeng chubby kaysa sa sexy

Dear Roma,
Ako si Derek, may problema ako ngayon, marami kasi ang nang-aasar sa akin tungkol sa mga babaeng nagugustuhan ko. Karamihan kasi sa kanila ay chubby at kinakantiyawan ako ng mga tropa ko dahil bakit daw hindi mga sexy ang nililigawan ko. Sa totoo lang, mas gusto ko ‘yung mga babaeng chubby. Ano ang dapat kong sabihin sa mga tropa kong nangingialam sa taste ko pagdating sa babae? — Derek
Derek,
Alam mo, bro, huwag kang magpapaapekto sa mga tropa mo dahil ang lahat ng tao ay may kani-kanyang taste. Kung gusto nila sa sexy, eh, di ru’n sila. Ipaintindi mo sa kanila na ang pagmamahal ay hindi naibabase sa hubog ng katawan. Mas maganda kung tatawanan mo lang ang pangangantiyaw nila sa iyo para mapahiya sila. Okay? God bless!





Comments